Help About Facial Wash Cleanser Toner Exfoliator Serum Moisturizer

Started by pinoypride2014, August 29, 2014, 08:06:01 AM

Previous topic - Next topic
Hi po sa lahat pa help naman po about sa tamang Skin Care Routine
paano po ba ang tamang paglalagay at pagkakasunod-sunod ng mga ito
Facial Wash, Facial Cleanser, Facial Toner, Facial Exfoliator, Facial Serum, Facial Moisturizer?

paki sagot na lang po ng ganito para mas madali kung maintindihan
ang tamang pag apply at pagkakasunod-sunod nila

Example:

Morning Routine
Step 1. Facial Wash - Dove White beauty bar ( twice a day )
Step 2. Cleanser - Cetaphil Gentle skin Cleanser ( twice a day )
Step 3. Toner - Neutrogena Alcohol-Free Toner ( twice a day )
Step 4. Exfoliator - St. Ives Apricot Scrub ( once a week )
Step 5. Facial Serum - ( once a day ) hindi ko alam kung para saan ba yan kaya wala pa ako binibili na facial serum
Step 6. Facial Moisturizer - Olay Natural White Day Cream ( once a day )
Step 7. Body Moisturizer - Myra Hand & Body Lotion ( twice a day )

Night Routine
Step 1. Facial Wash - Dove White beauty bar ( twice a day )
Step 2. Cleanser - Cetaphil Gentle skin Cleanser ( twice a day )
Step 3. Toner - Neutrogena Alcohol-Free Toner ( twice a day )
Step 4. Facial Moisturizer - Olay Natural White Night Cream ( once a day )
Step 5. Body Moisturizer - Myra Hand & Body Lotion ( twice a day )




wala kasi talaga ako alam sa mga ganyan basta ang ginagawa ko lang dati
naliligo lang ako araw araw at wala na ako ibang nilalagay pa sa mukha at katawan ko.

hanggang sa naisipan kung alagaan ang sarili ko kaya bumili ako ng mga
skincare products kaso ang nakalagay lang na procedure dun sa product
step 1 facial wash step 2 cleanser step 3 moisturizer
i mean walang nakalagay na toner Exfoliator and serum
then yun nagresearch naman ako sa internet ang tamang skincare routine daw
cleanser toner exfoliator serum and moisturizer walang kasama na facial wash.

kaya medyo nalilito ako ngayon kung ano ba ang tamang skincare routine ang dapat kung gawin
kaya hihingi na lang po muna ako ng advice sa inyo kung ano ba ang tamang skincare routine
at paano ang tamang paglagay or pagkakasunod-sunod ng mga ito.

syaka dun po pala sa mga may alam about skincare or baka meron dermatologist dito
pwede po ba malaman kung para saan ba ang mga ito
"Facial Wash Cleanser Toner Exfoliator Serum and Moisturizer"
i mean bakit kailangan natin gumamit at maglagay ng mga yan sa mukha at katawan?

last question ok lang po ba talaga na ilagay lahat yan sa skin natin
for example paano magiging effective yun cleanser na nilagay mo sa face mo
kung pag tapos mo maglagay ng cleanser maglalagay ka naman ng toner
at paano naman tatalab yun toner kung pagtapos mo mag apply ng toner
magpapahid ka naman ng moisturizer?

i mean sa sobrang dami ng kailangan mo ilagay tatalab pa kaya lahat yan?
yun lang po maraming salamat


yun nagresearch kasi ako sa internet ng skincare routine
kahit ako nagulat kasi ayun nga parang ang dami nga nila nilalagay sa mukha nila
meron pa nga BB cream ba yun pero yun iba hindi ko na sinama jan kasi lalake naman ako
kaya hindi ako nag lalagay ng make up sa mukha kaya hindi ko na need gumamit
ng mga pangtanggal ng make up.

pero if reresearch nyo din kasi sa youtube at google yun  skincare routine
ang laging lumalabas na kasama sa regimen nila cleanser toner exfoliator and moisturizer
wala kasi ako masyado alam sa mga ganyan kaya hindi ko alam kung ano ba ang pinagkaiba ng cleanser sa facial wash
yun product kasi na nabili ko 3 step lang facial wash cleanser moisturizer walang kasamang toner.
pero sa internet naman 4 or 5 step cleanser toner exfoliator  moisturizer pag may kasamang facial serum 5 step.

kaya kahit ako nagtataka bakit parang ang dami naman nila nilalagay sa mukha nila i mean ganun ba talaga yun tamang skin care routine at hindi lang ba talaga ako maalaga sa katawan ko

dahil aminado talaga ako na hindi talaga ako gumagamit or naglalagay ng mga ganyan kaya nga wala ako alam sa mga ganyan
basta ang ginagawa ko lang maligo  pag tapos ko maligo wala na ako nilalagay or pinapahid pa sa face ko ngayon ko nga lang narinig yan mga toner exfoliator cleanser facial serum moisturizer

kaso yun mga napapanood ko kasi sa youtube na skincare routine parang ang ganda ng kutis nila baby face ang kinis ng balat ang puti kaya hindi ko tuloy maiwasan gayahin sila at gumawa ng sarili kung skincare routine
para maaalagan yun katawan ko napabayaan ko na kasi yun mukha at katawan ko dahil sa trabaho.

pero kung ganyan naman talaga ang tamang skincare routine procedure hindi na din siguro masama na gumastos at gawin yan para sa sarili mo