share lang. nabasa ko lang
Mahal mo siya, mahal ka nga ba niya? O sadyang pinapaasa ka lamang niya? Mahal mo siya, mahal ka nga ba niya? O sadyang pinapaasa ka lamang niya?
Nagkakatext ba kayo? Malamang, oo. Kinikilig ka ba? Malamang, oo. May mga panahon na malambing siya sayo, pero bigla ka na lang mapapaisip. Paano kung ganito rin siya sa lahat. Gaguhan nga ba?
Aba, biglang hindi na lang magrereply. Hindi ka mapakali. Magtatampo ka. Maiinis. Tapos malaman laman mo, may katext naman siyang iba. Pero bakit sa akin hindi nagrereply? Gaguhan nga ba?
Mapapawi nga lang lahat sa isang text niya lang. Wala kang pakialam kung ito’y walang kwentang text. Basta ba, makita mo lang ang pangalan niya sa inbox mo, abot tenga na ngiti mo. Hindi ba?
Nakakatawang isipin. Nakakatawa ka.
Nakakatawa kayo.
Nagmumukha kang bata na nagkaroon ng unang pag-ibig sa preschool o gradeschool.
E ano nga bang magagawa ko. Gusto ko siya. Hindi. Mahal ko na nga ata siya eh.
Kahit hot and cold siya. Sige ka pa rin.
E bakit ba.
Sige ka pa rin. Kahit alam mo sa sarili mo na nagmumukha ka ng tanga.
Hindi ba?
Tama na.
Bahala ka. Alam ko naman kahit napapagod ka na kasi hindi mo alam kung saan lulugar sarili mo sa kaniya, hindi mo pa rin siya magawang ayawan. Kahit alam mo na you deserve someone better. Hindi yung parang pinapaasa ka lang sa wala.
Gaguhan nga ba?
Pinapaasa sa wala?
Oo. Sa wala. Hindi mo pa naman alam kung ano ka sa kaniya, hindi ba? Hindi mo nga alam kung saan ka lulugar eh.
…
Tignan mo. Mas mahirap umasa kaysa pumili. Yan, yang nasa puso mo. May choice naman siya eh. Malay mo hindi lang dalawa, malay mo maraming choice. Kaya ingatan mo muna puso mo.
Mamaya, yun pala wala ka lang sa kaniya.