News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Kaleidoscope World (ctan's random musings)

Started by ctan, April 13, 2011, 01:12:57 AM

Previous topic - Next topic

pong

^ let's review doc. in general, greedy ang tao. kahit sa amerika, may mga protesta na doon. ang tanong ay norms ng tao. paano ba siya nagre-react sa mga bagay-bagay? (sabi na sa iyo, dapat neto, mahabang kwentuhan eh)

1) survival of the fittest - normal thing sa environment. magbigay tayo ng comparison"
sa japan, skill ang batayan sa isang tao para mag-survive. recession sila ngayon pero masaya pa naman sila. kasi inherently, skilled sila. nagkakaroon ba ng inggitan sa isa't-isa sa kanila? hindi. imbes, competition pa ang labanan nila. dito, napakalaking inggitan
sabihin mo bakit sa mayamang bansa ako nag-compare, o sige, doon tayo sa bhutan. halos wala siyang natural resources, landlocked pa. pero mapayapa sila. nagtutulungan ang mga tao nila? bakit? ang survival of the fittest nila, kung sino ang pinaka-mababaw ang kaligayahan. kuntento na sila na makakain araw-araw.
ano ba ang survival of the fittest sa pinas? >> pera << hahamakin lahat, magka-pera lang. na hindi tamang philosophy

2) budget - practically tayo lang ang may pinaka-nakakairitang budget. budget sa basketball court, budget sa waiting shed, budget sa pagpapagawa ng kalsada na maayos naman. sa singapore, televised ang deliberation ng national budget. at pag napanood mo ang member of parliament nila roon, mahihiya ang summa cum laude ng UP diliman.

3) social stratification - sus, tagal na yan. may caste system naman noon sa pinas dati diba? maharlika, alipin, timawa, etc. ganon yun, wala tayong magagawa. hindi tayo egalitarian society.

4) mahirap vs. mayaman - hangga't mababa ang tingin ng mahirap sa sarili niya, ganun at ganun ang mangyayari sa kanya. at hangga't sobra-sobrang taas ng tingin ng mayaman sa sarili niya, mabubulok ang kalooban niya. ina-upbring ng mga private schools ang mga anak ng mayayaman na sila ang malupet na mamamayan sa pilipinas sa pamamagitan ng pagdudulot ng matinding trapik sa pampublikong kalsada, at tumatanggap pa ang mga ito ng mga anak ng gobernador na hindi malaman kung saan nanggaling ang pinambayad.


maraming sakit ang pilipinas, pero walang gustong gumamot -- bob ong

ctan

^ agree! impernes, sa usaping socialized health care, andami nang nasabi. hahahaha! :-)

maganda nga ang socialized health care, pero hindi ako agree na maganda ang egalitarian principle as a ruling philosophy of any government. hindi lang ako sang ayon sa communism way. hahaha. :-)

pong

^ so monarchical ka rin ba? apparently, aminin na natin, quasi-monarchical naman ang lipunan natin eh

ctan

sa totoo lang, mas gusto ko yung authoritatrian system than a communistic society. pero dapat yung dictator maganda ang layunin para sa bayan. :-)

Peps

kaya bagay sa atin yung katulad ng dating prime minister ng singapore si lee kuan yew

pong

Quote from: ctan on October 30, 2011, 07:17:00 PM
sa totoo lang, mas gusto ko yung authoritatrian system than a communistic society. pero dapat yung dictator maganda ang layunin para sa bayan. :-)

yan din naisip ko eh. pero pag authoritarian, parang monarchical din eh - pwedeng hereditary, crony, etc etc. masyado kasi tayong malaya, pero ayaw nating maging accountable sa pagiging malaya...

Quote from: otipeps on October 30, 2011, 07:40:18 PM
kaya bagay sa atin yung katulad ng dating prime minister ng singapore si lee kuan yew
hehe ideal yan. pero tingin ko, susuko na ako sa insight ni doc. dahil walang kapaki-paki ang mamamayan sa sarili niyang bansa: kailangang obligahin siyang makialam.

ctan

so parang in the end, it boils down to each Filipino's desire to make this country better. bawal apathetic. :-)

pong

Quote from: ctan on November 01, 2011, 09:32:50 AM
so parang in the end, it boils down to each Filipino's desire to make this country better. bawal apathetic. :-)

^tama doc. pero pansin ko walang kapaki-pakialam ang bawat isa sa ginagawa ng gobyerno.

ctan

on the other note, sarap magduty ng holiday. :-) walang pasyente gaano, nasa bakasyon. hahaha!

pong

^ doc, na-confine ako diyan bisperas ng bagong taon LOL... ang sarap ring magpa-ospital sa emergency nang holiday. andaming doctor hehehe :)

ctan

hahaha! kainis. isa ka pala sa mga nagpapatoxic ng holiday duty! wahahahaha! :-D

pong


ctan


pong

secret... baka hanapin mo ako sa ARMS at HIS hehehe

ctan

hahaha. hindi naman natetrace sa arms at his ang name kung chief complaint mo lang ang alam ko. hahahaha!