Noong bata pa ako... akala ko...

Started by toffer, February 06, 2009, 11:33:57 AM

Previous topic - Next topic
nung bata ako...

akala ko yung university of santo tomas (UST) ay nasa sto. tomas, batangas. hahaha.
akala ko totoo yung kapag madami ka daw kuto ay liliparin ka nila papunta sa bundok.

:)




kala mo lang yun! hahahaha!  ;D

akala ko nga rin yung kapre nangangain ng mga gutom. hahaha!

akala ko pg bumubili ng lupa, talagang kukunin mo yung lupa itself hanggang sa ilalim.

akala ko sobra kasalanan ang magmasturbate mwahahaha

akala ko noon totoo sila maskman, bioman, fiveman, saka si shaider in real life ;D



Akala ko mapuputol ang daliri ko kung ituturo ko ang bahaghari. Hahaha. (Hanggang ngayon takot pa rin ako! :-p)

akala ko naman masusunog ako pag tinuro ko din ang rainbow ;D

akala ko pag hinawakan mo daw ang wings ng butterfly tapos pinahid mo sa mata mo mabubulag ka

- yun din akala ko..

akala ko mas masaya ang buhay kapag mas matanda na.

akala ko dati posible talaga yung "nakalimutang huminga". yan kasi laging sinasabi sakin ng mga matatanda pag nagtatanong ako kung pano namantay yung mga kakilala nila e

akala ko noon pag di ka pumunta sa lamay ng patay mumultuhin ka


pero its the other way around for me, pag nakita ko na ang nasa kabaong, naiisip ko siya sa pagtulog ko  :(

akala ko madaling abutin ang pangarap.

Nung bata pa ako, akala ko...

kaya nakakapagsalita ang radyo, kasi may tao sa loob!  ;D

gamot talaga sa sore eyes ang ihi  at pag nakita ng chick ang etits ko nung bagong tuli e mangangamatis  whew...

Sinisilip ko ang loob ng tv kasi akala ko noon may mga tao sa loob