Minsan na akong nag deactivate ng fb account. It lasted for a year or so...
Lumaki ako sa panahong wala pang internet, so I can say na hindi mahirap mawalan ng FB account.
Making connections with friends are good, pero sa akin kasi, mas importante yung sense of privacy, yung sense of longing, sense of wondering... Ngayon kasi hindi mo na kinakamusta yung mga friends mo kasi nakikita mo na sa fb..lahat ng ginagawa and everything.. so nawawala na yung sense of longing at wondering.. yung tipong maaalala mo yung close friend mo noon at magtatanong ka "nasan na kaya yun??".. o kaya magkikita kayo ng HS friends mo, and you know nothing about each one's whereabouts and your meetup will be filled with never-ending kwentuhan.. ayun, for me, ayun ang gusto ko i-keep.
Nakalimutan ko na yung reason kung bakit ako bumalik sa fb, pero alam ko important yun. haha.
Now, active ang fb ko, pero hindi ako nagpopost regularly. I just share some videos or any links.

Pero dahil na-brought up 'to, iniisip ko na magdeactivate uli. hehehe