It's part of life, Jaz. Ganun talaga.
Minsan, natatakot ako sa isang fact na yung 40 kaibigan mo at the age of 17 ay magiging 2 na lang at the age of 40. To think na ganun pa rin ang takbo ng buhay mo. Napapaisip lang ako kasi parang totoo nga.
Could be linked to maturity or deeper understanding about friendship. May tendency tayo na i-presume na dahil araw-araw nating kausap at kasabay mag-lunch, ka-yosi, ay kaibigan na natin. Hindi ako expert sa psychology pero may tsansa na pag hindi na kayo madalas magkita, talagang tatabang ang samahan ninyo. Andun pa rin yung mami-miss niyo ang isa't-isa pero hindi na tulad ng dati.
Para maiwasan ang ganung mga insidente, I see it to the point na makipagkita sa mga kaibigan ko nung HS, kahit once a month. Para makibalita. Kahit ako ang gumastos, basta magkita lang kami. Minsan, hindi maiiwasan na magtampo ka at tipong wala na rin silang pakialam dahil may mas pinagkaka-abala-han sila; pero the fact na naalala ko sila or maalala nila ako ay isang malaking bagay na.
Isa pa, people come and go as a means of experience. May tao talagang nakatakdang buwisitin, inggitin, saktan at gumawa ng bagay na makakapagpasama ng loob natin: pero yun ay para tumatag tayo. Pero later on in life, makakalimutan mo rin mga pagmumukha nila. Pero ikaw, matikas pa rin, salamat na rin sa kanila. At saka, may mga tao talagang hindi meant sa atin na maging kaibigan, kahit anong pilit. Yun ang isa ring palaisipan sa akin ngayon.
So, mag-enjoy ka na lang dito. Pero ihanda mo ang sarili mo na one time, halos hindi na kayo magkakakilala ng iba. Dahil iba-iba ang buhay-buhay. May mag-aasawa, may magiging mayaman, may magiging frustrated, pero hindi yun dapat magpabali ng pagkakaibigan.