most embarrassing stories here

Started by gebb, December 14, 2009, 12:35:09 AM

Previous topic - Next topic
i was on my way to a drawing class, nagmamadali ako kasi bawal ma late.
nasa 5th floor pa ang drawing room at hindi gumagana ang elevator nung araw na yun kaya tumatakbo ako sa stairs. nung malapit na ko sa 3rd floor natalisod ako, nalaglag yung mga dala kong t-square at plates ... sh*t andaming tao, tumawa pa yung iba  :-[ :-[ :-[
pero di ko na masyado pinansin kasi naisip ko late na talaga ako kaya direcho lang..
na realize ko lang na nakakahiya yun nung nasa drawing room na ako.
late nga ako pero mas late yung prof ko kaya lusot pa din  ;D (siguro natalisod din yung prof ko kaya sya na late  ;D)




sa sobrang embarassing, nakalimutan ko na... hehe :)

Sa pantry sa office, I thought teammate ko. Kasi pareho yung suot nilang  shirt pati ang haba ng buhok at katawan! Biniro-biro ko pa! Kikilitiin ko sana, buti humarap and  I found out di pla siya! Namula talaga ako! Tawa sila ng tawa kasi kinukulit ko talaga! An sama ng tingin sa akin! Parang gustong ibuhos yung mainit na sabaw ng sinigang!   :-[


Quote from: gab0iii on December 14, 2009, 12:56:07 AM
sa sobrang embarassing, nakalimutan ko na... hehe :)

baligtad to gab, sa sobrang embarrassing dapat di mo makalimutan. hahah

Quote from: gebb on December 14, 2009, 12:35:09 AM
i was on my way to a drawing class, nagmamadali ako kasi bawal ma late.
nasa 5th floor pa ang drawing room at hindi gumagana ang elevator nung araw na yun kaya tumatakbo ako sa stairs. nung malapit na ko sa 3rd floor natalisod ako, nalaglag yung mga dala kong t-square at plates ... sh*t andaming tao, tumawa pa yung iba  :-[ :-[ :-[
pero di ko na masyado pinansin kasi naisip ko late na talaga ako kaya direcho lang..
na realize ko lang na nakakahiya yun nung nasa drawing room na ako.
late nga ako pero mas late yung prof ko kaya lusot pa din  ;D (siguro natalisod din yung prof ko kaya sya na late  ;D)

nakakahiya na ba ito? haha sorry. mas natawa kasi ako. haha
dami naman natatalisod.


Quote from: Kilo 1000 on December 15, 2009, 10:35:23 AM
many years ago nung 10 years old ako...
pauwi na papuntang maynila galing baguio tapos traffic sa may balintawak toll area at sobrang nadidiarrhea na ako....since hinde ko na kinaya. dun ako sa likod ng van tapos tumae ako sa supot at kumalat sa buong van yung amoy. medyo nakakahiya kasi walang tint yung windows at sobrang nabahuan mga kapatid ko :P
siyempre, since hinde ko matago sa loob ng van yung supot, tinapon ko sa road yung supot :P
:o unforgettable!

one of my most embarrassing moment in my life, siguro yung kiniliti ko ng todo todo sa mall yung pinsan kong girl, as in sobrang kabiruan ko to.. i almost killed her sa kiliti, then it turned out na paglingon nya, di pala sya.. patay..  :o

Quote from: jaypeeeboy on December 16, 2009, 07:56:48 AM
one of my most embarrassing moment in my life, siguro yung kiniliti ko ng todo todo sa mall yung pinsan kong girl, as in sobrang kabiruan ko to.. i almost killed her sa kiliti, then it turned out na paglingon nya, di pala sya.. patay..  :o

buti hindi ka pinatay?! haha

Quote from: Kilo 1000 on December 15, 2009, 10:35:23 AM
many years ago nung 10 years old ako...
pauwi na papuntang maynila galing baguio tapos traffic sa may balintawak toll area at sobrang nadidiarrhea na ako....since hinde ko na kinaya. dun ako sa likod ng van tapos tumae ako sa supot at kumalat sa buong van yung amoy. medyo nakakahiya kasi walang tint yung windows at sobrang nabahuan mga kapatid ko :P
siyempre, since hinde ko matago sa loob ng van yung supot, tinapon ko sa road yung supot :P


hahaha mas nakakahiya pag sa fx ito or pampasaherong van  ;D

Ako sa sobrang ihing ihi na ako dirediretso ako sa cr, pagpasok ko nagtataka ako bakit walang urinal. Yun pala cr ng babae! Walang tao sa loob pero kasalubong ko sila nung palabas na ako! Last December lang to sa glorietta

Quote from: moimoi on December 15, 2009, 10:37:10 AM
Quote from: Kilo 1000 on December 15, 2009, 10:35:23 AM
many years ago nung 10 years old ako...
pauwi na papuntang maynila galing baguio tapos traffic sa may balintawak toll area at sobrang nadidiarrhea na ako....since hinde ko na kinaya. dun ako sa likod ng van tapos tumae ako sa supot at kumalat sa buong van yung amoy. medyo nakakahiya kasi walang tint yung windows at sobrang nabahuan mga kapatid ko :P
siyempre, since hinde ko matago sa loob ng van yung supot, tinapon ko sa road yung supot :P
:o unforgettable!

PAHABOL LANG: "hahaha...nangyari na din sa akin yan. hahaha"

Nangyari ito noong college pa ako. Umuwi kami ng mga high school friends ko sa amin, nag-inuman hanggang kinabukasan. Sa kalagitnaan ng inuman, naisipan namin mag-skinny dip sa lake malapit samin. Para mahulasan. Little did we know na yung ibang barkada pala namin na kakarating pa lang at hindi pa lasing ay nakita yung mga damit namin. Tinago nila at pinahabol nila kami nang walang saplot sa tabing dagat, sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Anong embarrassing part? Yung area na yun ay lugar na madalas may nagde-date na magjowa. Kinabukasan, may nakasalubong ako at tumawa sakin. Nakita daw nila ng girlfriend nya ang mga wetpaks namin habang nagtatakbuhan kami. Hahahaha

Nung college ako foundation week nun, naglalaban yung college of engineering saka college of medicine or allied and medical professions yata yun. Dahil yun pinaka highlight na event nung araw na yun halos 3/4 ng mga college students andun para manood. Dahil majority ng mga representatives ng engineering dept mga kaklase namin kaya nanood din kami. Tinambakan ng engineering dept yung kalaban nilang dept. nung time na yun kaya ang saya saya namin. Tapos nung nagpa timeout yung rival dept. para pag usapan gagawing strategy nila, bigla namang dumating sa kabilang side yung professor namin pinatatawag ako, sa pagmamadali ko tumakbo ako at dumaan nako sa gitna ng court tutal naka timeout naman, pero nung malapit nako sa kabilang side di ko napansin yung bakal na nakaharang yung nagseseparate sa mga nanonood hayun nung tumama ako bigla ako nag dive, napasigaw lahat yung mga nanonood sabay takbo ng mga players namin para tulungan ako, tapos bigla may sumigaw sa mga nanonood "tawag kayo ng lifeguard!" Sabay tawanan ng mga tao. Pati mga kaibigan kong players nahiya sabi pa sakin " ano ba yan peps imbis na sila mahiya kasi tinambakan namin sila, nagkaroon pa tuloy sila ng pang asar sa atin di ka kasi nag iingat eh"

Grabe gustong gusto ko talaga matunaw nung mga oras na yun, after that day kahit apat na araw pa foundation week nun nako di nako nagpakita sa buong campus, nung balik klase na dun nalang uli ako pumasok pero dalawang linggo din akong na torture ng mga kaklase ko saka everytime na dadaan ako sa hallway tapos makikita ako ng ibang estudyante tumatawa sila.

Kaya ngayon everytime na nagkaka get together kaming mga magkakaklase laging na oopen yung nangyari sakin, waa kakahiya talaga.