Hi Guys,
Naranasan nio na ba to? Yung EX mo na mahal na mahal mo pero ikaw ang nakipag break kasi hindi ka pa handa nung mga time na kayo pa. Masyado pang bata ang isip mo nung time na kayo pa kaya nag decide ka na makipag break muna. And then after graduation ng college and 2 years of working malalaman mo na may BF na sya at nung tinanong mo sya kung bakit hndi ka nya hninintay eh eto sagot nia "ilang taon akong umasa na babalikan mo ako pero naghintay ako sa wala kaya nag entertain ako ng iba".
Sobrang sigurado kasi ako na makakapaghintay sya ng mas matagal pa. Pero mali ako. Masyado pala ako naging kampante. And after 3 years nilang magpartner, ikakasal na sila. Ang lungkot lang, kasi hindi sya sumasama sa lakad ng barkada naming na dati naman eh game na game sya. Iniisip ko lang dati kaya ayaw nia sumama kasi pakiramdam ko gusto pa rin nia ako. Kaso kilala ko sya eh. Sobrang loyal nun. Tapos eto na nga, magpapakasal na sya. Ang lungkot.
13 kaming magbabarkada at halos lahat sila may partners na, yung iba kasal na at may anak na. Natatakot akong tumandang mag isa. Natatakot akong mapag iwanan. Natatakot ako sa sitwasyon ko ngayon

BTW, bata pa nman ako. 25 lang ako. I know yan naman kalimitang cliché ng isang tulad kong single. "Bata ka pa. Marmi png iba dyan." Naniniwala nman ako jan pero hanggang kelan ako bata?