Oh I forgot to post an update, we where there last month on a saturday, me and jude_law. Actually pahirapan pala sa pag park dun punakiusapan nalang namin yung sa valet parking kung pwede pa kami i accomodate buti pumayag. Kaso pagdating namin dun around 12nn yun, ang visiting hours pala from monday to saturday 4 to 6pm, nagtaka nga kami bakit ganun kasi sa ibang hospital kahit anong oras pwede ka dumalaw, eh mahigpit pala sila pag charity ward. Pinakiusapan namin kung pwede kami pumunta kahit sandali lang pero ayaw talaga pumayag yung security sabi namin maghahatid lang kami ng pera pero ayaw talaga ginawa nila kinontact nalang nila nurse dun para papuntahin samin yung bantay ni kuya monch kaso di rin ma contact tapos di rin namin ma contact yung cellphone ni kuya monch, mga isang oras kami naghintay hayun medyo naawa samin yung security kaya pinayagan na isa samin na umakyat kaya ako na umakyat kasi honestly medyo malaki hawak naming pera di namin iiwan yun sa kanila lol.
Pagdating ko dun nasa charity ward siya pero isolated room nakahiwalay siya sa ibang pasyente kasi may viral infection din siya. Sobrang payat niya, alam niyo nakatingin siya sa akin pero di nya pala ako nakikita sa sobrang labo ng mata niya. Sabi nung misis nya "o batiin mo yung ksibigan mo" tapos sabi nya "ahh sino sila?" nung magsalita nako halis mapaiyak na siya nung marinig ako. May mga itim itim siya sa balat na parang kaliskis dahil daw sa viral infection yun, nung time na yun sabi nila after 7 days pa makukuha mga results niya. Tapos last week lang naghingi ako update sa kanya sabi nila jude lalabas na daw siya kasi gusto na daw niya lumabas. Pero di namin alam kung talagang ok na siya