News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Travel plans / bucket-list destinations

Started by mangkulas03, September 25, 2017, 12:18:32 PM

Previous topic - Next topic

vortex

Quote from: EdRobinson on June 04, 2018, 08:53:26 PM
Quote from: vortex on June 04, 2018, 08:22:14 AM
Quote from: EdRobinson on May 31, 2018, 09:49:29 PM
Quote from: vortex on May 31, 2018, 05:52:11 PM
Booked my Malaysia+Singapore travel this year.
:-)

Wow! See you here in Singapore lah :)
~Rob
Hey sure, Pero last week of November ako sa SG. See you.


Ayos yan! Christmas season pala hehe. See you.
Ahm, uu, pero more of Birthday travel. hehe.

jackxtwist


bugnutin99

Yun plano kong THL di na matutuloy pero natuloy naman ako sa Dumaguete - Siquijor nitong June. Supposedly mag Iloilo pa sana ako kaso na-late ako sa byahe pa-Siquijor so nagstay pa ako ng 1 night sa Duma and decided to do 2 nights sa Siquijor para mas chill. Yun talaga mahirap pag solo ka, walang mangungulit sayo o magpapa-alala na may hinahabol na oras. :D

Planning to go to ELYU this September or October. Or if kaya magsidetrip to Baguio, much better.

bugnutin99

Sino dito nakapunta na ng Fukuoka or Osaka, Japan?

eric_bae

Quote from: Lord Vee on December 28, 2017, 11:20:30 PM
Quote from: mangkulas03 on December 28, 2017, 01:18:31 AM
Quote from: jackxtwist on September 25, 2017, 03:06:41 PM
gusto ko to  :D :D :D :D

October 25 - November 6, 2017
Camiguin. Sana maabutan ko Lanzones festival hahahaha
CDO.
Bukidnon. aakyat ng 4 na bundok dun.
Siargao?

May/June 2018
Quad-Provincial Traverse lel. Cebu. Dumaguete. Siquijor. Bohol. Nagawa ko na yung tatlo except Siquijor. Target ko this time North Cebu naman (Bantayan, Malapascua), nasuyod ko na South Cebu except OsmeƱa Peak; north at south-east Bohol.

November 2018
Chang Rai. Loy Krathong festival.

trip ko duma-siquijor. naka book ka na?

Bro, pa Duma-Siquijor ako on August next year.. Pero Bacolod entry point ko. Would like to visit Bacolod again. Nine days.

Usually I travel/Mountain Climb twice or thrice a month, but I guess I have to save a little more than usual this year since I have one month backpacking trip on June (Malaysia-Indonesia-Singapore-Brunei) and two weeks in Taiwan on October.

Hangga't single and able pa, lakbay lang ng lakbay.
Iba naman 'to. Sana lahat.

eric_bae

May itinerary ba kayo ng San Jose, Occidental Mindoro? Pupunta ako dun sa Aug. 13.

vortex

May suggestion kayo na magandang puntahan from April 18-20?  Naka-Holiday leave ako non ayoko naman masayang.

mangkulas03

Quote from: vortex on March 13, 2019, 01:12:08 PM
May suggestion kayo na magandang puntahan from April 18-20?  Naka-Holiday leave ako non ayoko naman masayang.

sir. pm mo ako. gusto ko sumama kung may mahanap ka.

vortex

Quote from: mangkulas03 on April 03, 2019, 05:07:19 PM
Quote from: vortex on March 13, 2019, 01:12:08 PM
May suggestion kayo na magandang puntahan from April 18-20?  Naka-Holiday leave ako non ayoko naman masayang.

sir. pm mo ako. gusto ko sumama kung may mahanap ka.
Wala pa rin ako mahanap eh. Paano po ba mag-PM dito? Baka ikaw sir may mahanap ka, pasabit  na lang din.

bugnutin99

Quote from: vortex on April 09, 2019, 05:23:03 PM
Quote from: mangkulas03 on April 03, 2019, 05:07:19 PM
Quote from: vortex on March 13, 2019, 01:12:08 PM
May suggestion kayo na magandang puntahan from April 18-20?  Naka-Holiday leave ako non ayoko naman masayang.

sir. pm mo ako. gusto ko sumama kung may mahanap ka.
Wala pa rin ako mahanap eh. Paano po ba mag-PM dito? Baka ikaw sir may mahanap ka, pasabit  na lang din.


Try niyo dito => http://sunny-soul.com/the-grounds-resort-the-charming-spot-in-antipolo/
Antipolo lang, baka avail pa this coming weekend.


Or if wala. Mag-AirB&B nalang kayo kahit within the city. Marami naman available pa, i think.


Use my promo code to get discount when you book your B&B => https://www.airbnb.com/c/rusself157

vortex

Done with my Camiguin trip last July. So na-checked na siya sa aking bucket-list :-)
It was a nice experience, nakapag-snorkel sa Sunken Cemetery, etc.
Tapos sa gabi nagbo-bonfire kami habang may soundtrip at umiinom at nagkukwentuhan sa tabing dagat.
Yung akala ko di ako tatagal ng 1 week kasi wala signal, wala din halos mapanood, tapos aga matulog ng mga tao, pero later on na-realize ko masarap yung ganong lifestyle kaysa sa buhay sa Manila na toxic. Doon tahimik saka sarap ng hangin.

Sa susunod naman HK sana tahimik na pagpunta namin don.
After that, ipon naman for next year, bucket-list:
International:
Thailand
South Korea/Japan
Cambodia

Local:
Siargao
Cebu/Bohol
Ilocos
Batanes (pero mukhang malabo ito) hehehe

vortex

Tapos na sa Hongkong Trip. Safe and enjoyable naman siya.

Sa 2020, I booked:
- Baguio (Panagbenga)
- Cebu

Then International: Thailand.

Tipid muna sa budget hahaha

bar_rister

South Korea travel ko dapat last Feb pero I canceled it dahil wala pa result visa applic ko. Good thing may flight changes kaya na refund ko.

Dapat mag boracay ako last Fri to celeb my birthday, buti na lang days before di ako naka book dahil masusubject ako sa self quarantine per company policy. Kahit domestic travel lang.

May trip ako pa Iloilo, Bacolod at Melbourne (nakuha ko 8k roundtrip sa CebPac) so sana matuloy.

mang juan

Mukhang walang matutuloy sa travel plans this year. Sana bumalik na sa dati. :(

vortex

Quote from: mang juan on April 26, 2020, 10:44:15 AM
Mukhang walang matutuloy sa travel plans this year. Sana bumalik na sa dati. :(
Agree. Speaking of, cancelled ang Baguio and ang Cebu ko last Summer.  :'( :'( :'(