Men's Lifestyle > Family, Friends and Society

Things You Learned About When You Became A Dad

<< < (2/7) > >>

Alfred015:



Luckily sa akin, nakarga ko naman nang maayos hehe. Pero naalala ko tuwing kukunin ko/ibibigay sakin ng nurse, inaalalayan nya talaga ako para mahawakan ko nang maayos. Tama, yung support ng sa likod dapat andun. Tapos yung minsan daw itatagilif mo pag natutulog para di maflat ang ulo tsaka para di matuyuan ng pawis ang likod.
At oo, ako din lumipat ng work para dagdag income. Iba na talaga eh, bukod sa baby needs (milk, diapers, vaccines, check ups), nadagdagan na rin ng yaya kasi walang mag aalaga lalo at nagwowork kaming mag-asawa.
[/quote]


Ganyan talaga bro! Hindi talaga madaling magka pamilya pero sulit naman lalo na kung napapalaki mong maayos yung anak mo ang sarap sa pakiramdam! iwas na rin sa bisyo kasi iba na ang priority! Pero syempre di pa rin maiiwasan na may away kami ni misis pero nadadaan naman sa mabuting usapan.. Konting lambing lang o kaya ibili ko lang flowers okay na kami.

den0saur:
Haha oo, tama yung iwas sa bisyo. Hahahaha. Kasi wala ka na talagang time na gumala. Kung meron man, you’d rather just stay at home at makipagkulitan sa anak mo.

Alfred015:

--- Quote from: den0saur on February 28, 2018, 01:09:39 PM ---Haha oo, tama yung iwas sa bisyo. Hahahaha. Kasi wala ka na talagang time na gumala. Kung meron man, you’d rather just stay at home at makipagkulitan sa anak mo.

--- End quote ---

An ideal father, indeed. From time to time naiinvite pa din naman ng mga tropa pero kailangan ng permission ni commander.  Kung pumayag sasaglit lang siguro para magpakita lang then uwi din para makasama ang pamilya lalo pat isang araw lang ang day off. Kaya need to spend it with my family instead.

den0saur:
^Far from ideal. Yun ang goal hehe. Nagkakaron din naman ng mga misunderstandings with kumander pero syempre inaayos pa rin. Yung sa mga gimik naman, importante din kasi na may oras pa rin tayo para sa ibang tao. Nakwento ko na rin ata dito yun sa forum hahahaha.

bokalto:

--- Quote from: den0saur on February 28, 2018, 02:21:18 PM ---^Far from ideal. Yun ang goal hehe. Nagkakaron din naman ng mga misunderstandings with kumander pero syempre inaayos pa rin. Yung sa mga gimik naman, importante din kasi na may oras pa rin tayo para sa ibang tao. Nakwento ko na rin ata dito yun sa forum hahahaha.

--- End quote ---


 Naikwento mo na yung mga hanash mo sa buhay. Hahaha!!

Sagot sa tanong mo..
Nung pinanganak na yung panganay namin, una kong narealize, shet tatay na nga ako... Haha.
Pangalawa, shet nanay na ang asawa ko!!!
And the rest is history.. Haha.. In close communication kami palagi sa pedia namin. Super strict kami sa pag sunod sa mga bakuna and all. Ako madalas magpanic kapag feeling ko may sakit yung anak namin. Yung misis ko ang chill na chill lang.
Malaking tulong ang breastfeesing kasi healthy na sa baby tipid pa sa bulsa. Kaya muntikan ko na ipapatay lahat ng pusa sa barangay namin nung nakagat ng pusa yung misis ko nung 9th month breastfeeding kay baby. Kailangan itigil yung breastfeeding dahil mag undergo ng seriea of anti rabies shots si misis.. Just to be safe na rin kay baby.. Ay shet habana ng kwento ko. Hahaha. K. Tnx. Bye.

Sent from my ASUS_X008D using Pinoy Guy Guide mobile app

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

[*] Previous page

Go to full version