Luckily sa akin, nakarga ko naman nang maayos hehe. Pero naalala ko tuwing kukunin ko/ibibigay sakin ng nurse, inaalalayan nya talaga ako para mahawakan ko nang maayos. Tama, yung support ng sa likod dapat andun. Tapos yung minsan daw itatagilif mo pag natutulog para di maflat ang ulo tsaka para di matuyuan ng pawis ang likod.
At oo, ako din lumipat ng work para dagdag income. Iba na talaga eh, bukod sa baby needs (milk, diapers, vaccines, check ups), nadagdagan na rin ng yaya kasi walang mag aalaga lalo at nagwowork kaming mag-asawa.
[/quote]
Ganyan talaga bro! Hindi talaga madaling magka pamilya pero sulit naman lalo na kung napapalaki mong maayos yung anak mo ang sarap sa pakiramdam! iwas na rin sa bisyo kasi iba na ang priority! Pero syempre di pa rin maiiwasan na may away kami ni misis pero nadadaan naman sa mabuting usapan.. Konting lambing lang o kaya ibili ko lang flowers okay na kami.