Ako rin, wala akong kahit na anong sports. Yung brothers-in-law ko, they’re into basketball and football. Pero di naman sila nag uusap masyado ng tungkol sa sports kapag magkakasama kami. Saktong updates lang like, uy panalo gantong team, ang tanga ni gantong player. Mga ganun lang sila. Father-in-law ko naman, di rin masyado sa sports. Mas gusto nya yung mga intellectual na usapan.
Yung barkada ko naman, mga basketball fanatics din. Syempre di maiwasan minsan na puro yun ang usapan, kagaya ngayon, puro yun ang topic nila, pero pag kasama ako at yung ibang mga barkada na di nagbabasketball, they’re sensitive enough to change the topic naman. I mean, ako, I don’t mind as long as it doesn’t become the topic for the whole 10 hours na mag iinom kami.
Sa case mo, you’ll eventually get used to that and they’ll eventually get used to you. Haha. Wag mo na lang masyado pansinin kasi hindi naman yan ang magdedefine sayo as a person. And that’s what some people need to realize.
Good luck!
Sent from my iPhone using
Pinoy Guy Guide mobile app