Kalang! (PNR Love Story Series)

Started by lyts07, June 11, 2018, 03:35:30 PM

Previous topic - Next topic

It's been months? or baka years na nga! Mula nang matapos ang relationship namin ni Bea or should I say tinapos nya ung relationship naming dalawa. Akala ko kasi tama na ung 5 years para magstep-up sa next level. Pero parang kinulang pa rin. Iniwan lang ako nang di ko man lang alam ang tunay na dahilan ng lahat. Pero eto ako ngayon tuloy lang ang buhay tuloy lang Chito, tuloy lang ang buhay di ko lang alam saan dapat muling magumpisa ang lahat.

Mukhang late na naman ako sa opisina bukod sa may cut-off ang pagbili ng ticket sa PNR. Dapat makipagsiksikan ka pa sa dami nang taong nagmamadali at nakikipag-agawan sa pila. Isa rin yata ito sa kalbaryong kinakaharap ng kagaya ko. Pag di ka nagmadali maiiwan ka at kapag naiwan ka maghihintay ka sa walang kasiguraduhang paghihintay. Ang aga-aga
kong humuhugot. Pero salamat at naka-abot sa cut-off na 150 passengers per station.

Alabang Station... Ang pinakahuling estasyon ng PNR sa south. Naglakad ako mula sa ticket booth patungo sa platform, kaliwa-kanan ang lingon ko at panay ang tingin sa relo. 6:30 ng umaga sa isip ko kinakal-kula ko na kung gaano kabilis ang dapat na pagtakbo ko para lang umabot sa bio-metrics ng opisina. Maya-maya pa'y isa... dalawa... tatlong malalakas na ugong ng tren papalapit sa platform kung saan ako nakatayo. Isang huling sulyap sa aking relo at nang tumigil ang tren unti-unting bumukas ang mga pinto nito at naglabasan ang iilang mga sakay nito mas marami ang pasakay kesa pababa.

Dapat makapwesto ako sa bagon ng mga lalake na karaniwang pangatlo mula sa unahan ng tren. Naghanap ako nang mauupuan na malapit lamang sa pintuan. Nang makaupo agad ko namang kinuha ang headset na nakalagay sa backpack
isinaksak sa cellphone at nagpatugtog ng music.

Crashing, hit a wall
Right now I need a miracle
Hurry up now, I need a miracle
Stranded, reaching out
I call your name but you're not around
I say your name but you're not around

Ang mga sandaling ito na parang ang bilis kumilos ng lahat maging ang oras tila nagmamadali pero ako lang yata ang naiwan at nanatili mula sa kinalalagyan. Kung aabot ako bahala na...

Notes: Song Don't Let Me Down (Acoustic Version)
Feel free to comment almost everyday ung update and if nasa wrong section po ako ng topic also feel free to move this to its proper place.




Update? [emoji56]


Sent from my iPhone using PGG Forums