Men's Lifestyle > Dating Women and Relationships

Lockdown Problem

(1/4) > >>

kaixx:
2 years na kaming bf-gf and last week nagkaroon kami ng misunderstanding. Dahil lockdown at taga province sya, online and phone lang kami nakakapag usap. Nagkaron kami ng problema na lumala last week kasi feeling ko nawawalan na sya ng time sakin. Kahati ko sa oras ang work nya as a frontliner sa isang hospital. Parang once a week na lang kami nakakapag video call and madalang na ang messages and text tapos madalas pa sya galit kapag tinatawagan ko sya pag off nya. Parang sakin nya nabubuhos yung frustrations nya sa work. Di ko sya mapuntahan para maayos to at Mahirap naman dumayo papunta sa province dahil madaming process ang pagdadaanan. Di ko tuloy alam gagawin kaya nagregister ako dito to seek advise at para may makausap.

den0saur:
Mag-usap kayo. Assure each other na okay pa kayo, manage your expectations rin kung ganyan nga na frontliner sya. Malamang she's under so much stress right now. Baka she needs your support now more than ever.

kaixx:
Thank you po. Kelangan lang talaga siguro namin makapag usap ng maayos. Yung walang tension.  :(

ash:

--- Quote from: kaixx on June 14, 2020, 09:43:22 PM ---2 years na kaming bf-gf and last week nagkaroon kami ng misunderstanding. Dahil lockdown at taga province sya, online and phone lang kami nakakapag usap. Nagkaron kami ng problema na lumala last week kasi feeling ko nawawalan na sya ng time sakin. Kahati ko sa oras ang work nya as a frontliner sa isang hospital. Parang once a week na lang kami nakakapag video call and madalang na ang messages and text tapos madalas pa sya galit kapag tinatawagan ko sya pag off nya. Parang sakin nya nabubuhos yung frustrations nya sa work. Di ko sya mapuntahan para maayos to at Mahirap naman dumayo papunta sa province dahil madaming process ang pagdadaanan. Di ko tuloy alam gagawin kaya nagregister ako dito to seek advise at para may makausap.

--- End quote ---

Siguro kailangan nyo pag usapan kung ano yung problema. Kasi kung stress na siya sa work niya. Dapat sa'yo siya naglalabas ng sama ng loob or kung anuman kasi boyfriend ka niya. Alamin mo kung bakit siya ganun sa'yo. Para alam mo yung gagawin mo sa kanya. Hindi mo alam baka may iba na palang dahilan bakit siya ganun sa'yo.

kaixx:
Yes po. Mukhang kelangan ko talaga makipagkita asap para makapag usap kami. Thank you!

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version