Pinoy Guy Guide - Forums

Men's Interests => General Chat => Topic started by: badboyjr on November 25, 2009, 08:53:02 PM

Title: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: badboyjr on November 25, 2009, 08:53:02 PM
si willie nagpaparamdam kanina
malapit na raw ang date ng submission for candidacy

nagpaparinig na maari na siyang mawala sa wowowee
at maglingkod sa bayan

may example pa siya kanina

sinabi niya rin sa direktor niya na siya na ang kusang lalayo
parang may binanggit din siya na lagi silang nagaaway
ang suspetsta ko
mukhang dominante si willie sa show niya
imbes na direktor ang nasusunod ..yung gusto ni willie ang nasusunod

mukhang tatakbo ng SENADOR hehe

Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: Marky on November 26, 2009, 08:04:48 AM
No to Willie for Senator!   >:(
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: badboyjr on November 26, 2009, 10:55:30 AM
di ko rin siya boboto kasi kawawa ang show nila hehe
ang baba na nga ng rating
wala pang pangtapat sa EAT BULAGA ...

hehe

iba tlga nagagawa ng pera

Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: techigurl on November 26, 2009, 11:25:35 AM
if maganda naman plano para sa bayan, why not db?nagkataon lang iyon and may posisyon na siya sa gobyerno dati pa diba? sa tourism siya if im not mistaken
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: badboyjr on November 26, 2009, 12:14:13 PM
hehehe lahat naman ng tatakbo maganda plano sa bayan
anyone na tatakbo sasabihin ang magandang plano

kaya nga we can't read motives
we can only read it, if it is verbally stated ..

nakalimutan na nila ang record ni willie
ano ba nagawa niyan sa tourism?
isa pa kakainin lang din siya ng sistema sa politika
baka magaya lang yan kay lito lapid hahahaha....

nakalimutan na nang tao mga nagawa niyang kalokohan hehehe...

iboboto ko pa si pacquiao kaysa kay willie



rock n roll

Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: Marky on November 26, 2009, 12:56:10 PM
Bad boy ang puso mo. hehehe. mukhange galit na galit ka ah.
tsaka maluho masyado si Willie. hindi bagay sa lifestyle nya ang maging politiko.
Tama ka, baka matulad lang yan kay LApid na nagpapainit lang ng upuan sa Senado. wala namang ginagawa. hehehehe
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: badboyjr on November 26, 2009, 05:51:36 PM
hehehe nakakalimutan na kasi ng mga tao
ang mga kalokohan ni willie

;D

anong hindi bagay sa lifestyle niya ang maging politiko?
bagay na bagay sa kanya ...kasi mga pulitiko ...sumasahod galing sa bayan
pero puro pangungurakot lang ginagawa
ang gusto niyang mangyari
may posisyon siya pero
kumikita pa siya
kahit wala naman siyang ginagawa

atleast sa wowowee yung sinasahod niyang milyon milyon
nakikita ng bayan kung gaano siya kasipag magtrabaho araw araw para kitain yun

ang mahirap diyan kapag naging politiko na yan
hindi natin alam kung ang perang pumapasok sa kanya ay
galing sa pangungurakot o tlgang pinagpaguran niya

grabe na tlga ...

rock n roll

Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: techigurl on December 02, 2009, 09:50:41 AM
and to think that willie is so babaero and we see those who will be in the senate to be of good moral and kung si kuya willie lang na babaero at mauupo sa posisyon, karagdagang kahihiyan siya sa bansang pilipinas. kung nais talaga niyang makatulong ng higit sa mga mahihirap bakit hindi na lang siya magtatatag ng NGO na tutulong sa mga mahihirap.
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: badboyjr on December 02, 2009, 10:42:39 AM
nag decline na siya sa pagtakbo niya
he announced it yesterday ...sa wowoweeee

ang korny nga eh hehe ....
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: techigurl on December 02, 2009, 11:44:28 AM
buti naman at least maliwanag sa sikat ng araw ang sinabi niya at salamat nagising din siya sa kahibangan niya! ;)
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: Marky on December 02, 2009, 01:03:39 PM
hahaha. buti naman. Pero masaya din sana kung tumuloy sya para mapahiya. heheheeh. lol  ;D
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: mangkulas03 on December 02, 2009, 07:33:18 PM
(P)Utang na loob!
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: angelo on December 02, 2009, 10:37:20 PM
ginawa niya for tourism? hahaha tourist spot na ang kanyang show. ang pila ay 3 months.

gagawin kapag nanalo, papagsayawin mga senador. biglang tatanungin, questune.. hay.
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: badboyjr on December 03, 2009, 05:33:28 PM
hehe mas masarap daw sa wowoweee ehh

keysa matulog sa senado kasama ni lito lapid...

;D
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: Jon on December 05, 2009, 02:18:52 AM
di ko feel si mr.wil sa senate...

baka kasi kumanta siya sa senate lang giling-giling....iwww

speaking of wowowee....super scripted na ang kanilang show...

hay....masaya pa ang its showtime.....

Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: badboyjr on December 05, 2009, 06:59:32 PM
OT.
nawawalan na ng rating wowoweee hehe
kasi kinakain ng showtime ...

kaaway kasi ni wil yung director sa wowoweee hehehe
kaya parang scripted ang dating ...

pag may gustong gawin si wil on the spot
nagtatalo yata sila ng director niya hahahaha....

;D ;)
Title: Re: WOWOWEE for SENATOR????
Post by: angelo on December 06, 2009, 09:11:17 AM
OT: oo nga showtime!! woohoo!