Pinoy Guy Guide - Forums

Men's Fashion & Self-Improvement => Men's Grooming => Topic started by: Chris on February 21, 2018, 01:30:40 PM

Title: San kayo nagpapagupit?
Post by: Chris on February 21, 2018, 01:30:40 PM
San kayo nagpapagupit?
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: den0saur on February 21, 2018, 07:36:19 PM
GQ Barber Shop!
Pag nakakaluwag luwag, Fix.
Pag sumasabit kay misis, dun sa mga salon salon.
Pag walang wala na, dun sa “pagupitan ng pogi barber shop” legit name yan.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: Chris on February 21, 2018, 10:05:53 PM
GQ Barber Shop!
Pag nakakaluwag luwag, Fix.
Pag sumasabit kay misis, dun sa mga salon salon.
Pag walang wala na, dun sa “pagupitan ng pogi barber shop” legit name yan.
San GQ ka malapit? SM North lang alam ko at sa Makati malapit sa Enterprise.

Sent from my SM-G935F using Pinoy Guy Guide mobile app (http://r.tapatalk.com/byo?rid=95498)

Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: bugnutin99 on February 22, 2018, 12:09:10 AM
Na try ko magpagupit sa Bruno’s before pero once lang. Ibang klaseng “pogi” ang resulta mo doon. 280php ata iyong binayad ko nun.

Usually kay suking barbero lang ako nagpapagupit. 60 pesos - trim cut lang ako madalas (dahil di bagay sakin sobrang haba at sobrang iksi) tapos may kasama pang masahe sa shoulders kahit mga 30 seconds lang iyon. At de-aircon din sila kaya sulit ang 60!
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: buknoy on February 22, 2018, 12:26:42 AM
I trim my own hair since 2002.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: den0saur on February 22, 2018, 10:41:51 AM
GQ Barber Shop!
Pag nakakaluwag luwag, Fix.
Pag sumasabit kay misis, dun sa mga salon salon.
Pag walang wala na, dun sa “pagupitan ng pogi barber shop” legit name yan.
San GQ ka malapit? SM North lang alam ko at sa Makati malapit sa Enterprise.

Sent from my SM-G935F using Pinoy Guy Guide mobile app (http://r.tapatalk.com/byo?rid=95498)

Meron dito sa isang SM mall sa Laguna. Kaya gusto ko dito sa GQ kasi nasa mall. So usually while waiting for my wife, sinisingit ko na pagpapagupit. Okay pa yung masahe after tsaka yung kwentong barbero. Yung setting din ay di nalalayo sa mga local barber shops na kinalakihan natin.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: Syndicate on February 23, 2018, 07:52:41 AM
Barbero on Sundays. You get good haircut/trim plus a dosage for your soul.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: Alfred015 on February 28, 2018, 01:51:06 PM
Sa bahay lang! Si misis na nag gugupit sa akin. Dun siya masaya eh pero kapag di pantay saka na kang ako magpapagupit ulit sa KWENTONG BARBERO sa may SM BAGUIO
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: Chris on March 04, 2018, 12:23:45 AM
Currently Bruno's
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: miggymontenegro on March 30, 2018, 11:57:57 PM
Bangs TnJ
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: incognito on June 23, 2018, 03:33:01 AM
nagbabalik na ngayon ang popularity ng barber shops no? pero repackaged na. mas mahal na. pero galing lang din sa local barber shops na nagchacharge ng 30 or 50 per cut lang din before pero nasa high end barber shops now. pero ok lang din na they can get to charge mas mahal. talent shouldn't be cheap anyway.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: den0saur on June 24, 2018, 07:31:04 PM
^agree. Tsaka siguro kasi pambawi sa rent ng space sa mall. From 40 pesos sa tabi tabi to 160 (pinakamurang mall price na nakita ko) real quick!


Sent from my iPhone using Pinoy Guy Guide mobile app (http://r.tapatalk.com/byo?rid=95498)
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: Peps on June 24, 2018, 09:33:03 PM
I love barber shops dami tsismis parang parlor din kaya naimbento yung kwentong barbero lol, May tsinismis sakin yung barbero ko about dun sa isang politiko samin, hayun kinwento ko sa dad ko na numero unong tsismoso na kinwento sa mga fellow rotary club members nya na mga tsismoso din, hayun nagkagulo kasi miyembro din ng rotary club yung politiko lol
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: den0saur on April 23, 2020, 10:04:16 PM
Konti na lang, ako na mismo ang gugupit sa buhok ko.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: mine_is_8 on May 18, 2020, 09:12:39 PM
Sa Thompson's Sports Hair Shop ako nagpapagupit, kilala kasi to dito sa min... #GupitangPogi yung tagline nila. Si Scottie Thompson may-ari nito. Ang alam ko sa Metro Manila ang branch nila ay sa Sucat.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: ash on May 18, 2020, 10:17:06 PM
Folk 1006 sa may Escolta.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: outcastblueboy on May 18, 2020, 10:56:28 PM
Last week, sa parlor ako nagpagupit. Yun lang kasi ang bukas.
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: den0saur on October 05, 2020, 05:31:47 PM
Home Service na ang uso ngayon!
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: vinchi16 on October 06, 2020, 06:06:51 PM
Kay suking barbero lang malapit dito sa amin
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: clickons on October 06, 2020, 06:15:38 PM
ako dito lang samin. 60 lang wala nga lang aircon
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: pckhs2004 on October 17, 2020, 10:01:37 PM
Bruno's
Title: Re: San kayo nagpapagupit?
Post by: amazingguy on October 22, 2020, 01:17:43 PM
Sariling gupit via hair clipper ng phillips. Yun nga lang mostly lagi kalbo gupit pra madali haha