PGG Forums

Men's Interests => General Chat => Topic started by: jaguar05 on September 25, 2010, 08:17:49 PM

Title: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: jaguar05 on September 25, 2010, 08:17:49 PM
(Dugtungan ninyo ang huling taludtod...)  ;D


Susubukan kung tutula
Kahit na hindi mahaba
Sana'y pagdamutan
Itong munting kahilingan
Kayo'y magbahagi ng mga karanasan
sa buhay, pag-ibig at sari-saring kwentuhan

Sa kauna-unahan ako'y magsasaysay
Kay Chris ako'y nagbibigay pugay
Sa bagong babasahin na kanyang sinimulan
Nagbibigay sa atin ng aliw at kasiyahan
Kaya Ka-pgg tayo na't magsama sama
Ilabas ang saloobin at ang inyong dinarama...
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: joshgroban on September 25, 2010, 08:22:26 PM
saludo at hanga  ako sayo kaibigan
naisip mong tulang ito ay di basta basta lamang
sana lang ay makayanan ng mga susunod na nilalang ang henyong pumasok
sa utak mo...isang jaguar kung bansagan....

Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: jaguar05 on September 25, 2010, 08:27:06 PM
Quote from: joshgroban on September 25, 2010, 08:22:26 PM
saludo at hanga  ako sayo kaibigan
naisip mong tulang ito ay di basta basta lamang
sana lang ay makayanan ng mga susunod na nilalang ang henyong pumasok
sa utak mo...isang jaguar kung bansagan....



Kaibigan, para mas may challenge, yung last verse or taludtud, yun ang dapat dugtungan...para may brain storming...hahahha.  ;D

Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: jaguar05 on September 25, 2010, 08:31:53 PM
Ilabas ang saloobin at ang inyong dinarama...
Sa araw na ito ako'y masaya
Mga iba't-bang tao na di ko kilala
Nagagalak ang puso kahit di sila nakikita....
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: joshgroban on September 25, 2010, 08:43:37 PM
Quote from: jaguar05 on September 25, 2010, 08:27:06 PM
Quote from: joshgroban on September 25, 2010, 08:22:26 PM
saludo at hanga  ako sayo kaibigan
naisip mong tulang ito ay di basta basta lamang
sana lang ay makayanan ng mga susunod na nilalang ang henyong pumasok
sa utak mo...isang jaguar kung bansagan....



Kaibigan, para mas may challenge, yung last verse or taludtud, yun ang dapat dugtungan...para may brain storming...hahahha.  ;D
kala ko exhortation yun hehe sorry... sige

Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: joshgroban on September 25, 2010, 08:46:53 PM
nagagalak ang puso kahit di sila nakikita
kahit tila sa imahinasyon ko lamang sila kasama
mga kaibigang maituturing
AT HABANG BUHAY NA AALALAHANIN
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: jaguar05 on September 25, 2010, 08:52:43 PM
AT HABANG BUHAY NA AALALAHANIN
ang pag-ibig ko sa'yo di lilimutin
magpahanggang wakas ikaw lang ang iibigin
Tamis ng pagmamahalan, pagsuyo't pagtingin..  :D

Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: judE_Law on September 26, 2010, 06:55:24 PM
Tamis ng pagmamahalan, pagsuyo't pagtingin..
natapos ng ganun-ganun na lang, na hindi napapansin..
aanhin pa ang rosas sa hardin, kung wala namang pagbibigyan matapos pitasin?
tumalon na lamang sa balong malalim, ang sarili ay lunurin..
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: jaguar05 on September 27, 2010, 12:31:26 PM
tumalon na lamang sa balong malalim, ang sarili ay lunurin
Baka sakaling mawala itong sakit ng damdamin
Nang ang pagsinta sa'yoy  maparam na
Pilit na kikitlin hanggang sa tuluyang mawala


Ayoko ko nang balikan na sa ati'y nagdaan
Hayaan na lamang kung tayo nga ba'y magkakabalikan?
Ngunit kung tadhana man ang siyang sa ati'y maglalapit
Yayakapin ka't sa puso ko'y di na mawawaglit...
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: judE_Law on September 27, 2010, 02:16:59 PM
yayakapin ka't sa puso ko'y di mawawaglit..
tamis ng aking pagmamahal sa iyo'y ipadadama ng paulit-ulit.
araw at gabi'y pangalan mo ang isasambit.

kung sakaling pagmamahal mo sa aki'y naglaho na..
pangakong pag-ibig ko sayo'y 'di magbabago sinta.
harangan man ng taga, o sipatin ng pana...
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: jaguar05 on September 27, 2010, 03:52:30 PM
harangan man ng taga, o sipatin ng pana
Ako baga'y maglalaho ng parang bula?
Hinding-hindi giliw ko ako'y matatakot
Pag-ibig kung tunay di kailanma'y mag-iimbot


Ngunit kung sakaling ikaw ay lalayo
At ang pagmamahal mo sa akin ay wala ng pagsuyo
Masakit man sa akin na ito ay tanggapin
Kung siyang ibig mo, Kita'y aking palalayain....


Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: noyskie on September 29, 2010, 06:59:08 PM
Kung siyang ibig mo, Kita'y aking palalayain...
Pagka't kaligayahan mo ang aking mithi.
Iniibig kang tunay, ako ay dinggin!
Ngiti sana'y masilayan sa huling sandali.

habang ang liwanag ay unti-unting dumidilim;
at simoy sa paligid ay lumalamig.
Malugod na dumaraan sa aking takip silim;
habang sinasambit, "salamat pag-ibig".
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: judE_Law on September 29, 2010, 08:15:05 PM
habang sinasambit "salamat pag-ibig"...
aking mga mata'y di napigilang lumuha..
isang hamak na tulad ko ay minahal mo ng buo..
pangako'y pahahalagahan ang pag-ibig na isinuklimo.

tulad ng mga bituing nagni-ningning sa langit...
masungkit ka'y marami ang mai-inggit.
sa paglipas ng panahon ang aking hinihiling..
hanggang sa pagtanda tayo ay magkapiling.
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: jaguar05 on September 29, 2010, 08:49:16 PM
hanggang sa pagtanda tayo ay magkapiling
at ang bawat sandali ay ating namnamin
pumuti man ang buhok at may di malinaw na paningin
pangakong pagmamahalang hanggang libing

tunay kaya na mangyayari pa ang bagay na ito?
dahil sa paglipas ng panahon bakit iba na ang hanap mo?
matatamis mong ngiti bakit bigla na lamang naglaho?
pagsinta mo pala'y huwad at puno ng balat kayo.....
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: joshgroban on October 05, 2010, 12:47:31 AM
pagsinta mo pala'y huwad at puno ng balat kayo.....
gayunpaman aking mahal mananatili akong umaasa
kahit ikaw man ay lumayo at sa akin ay lumisan
pag-ibig kong itoy magtatakip sa kamalian
maghihintay ako...hanggang walang hanggan...
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: judE_Law on October 09, 2010, 02:37:49 PM
maghihintay ako... hanggan walang hanggan..
maghihintay ako... kahit walang katiyakan..

pumuti man ang uwak..
harangin manng tabak..

habang may buhay.. habang buhay..
Title: Re: Tula ko...dugtungan mo!
Post by: bukojob on November 11, 2010, 10:07:41 PM
ang thread na ito ba ay buhay?
parang biglang nag-laho...
nasaan na yung mga nagre-reply?
mukang sa kai-isip ay napagod...