ano mga pinaniniwalaan ninyo, if ever meron?
ano ang mga hindi ninyo pinaniniwalaan, if ever meron?
ang sabi ng mga matatanda: "wala naman masama sumunod, wala naman mawawala sa iyo"
kontra ba ito sa faith?
Quote from: angelo on July 12, 2009, 01:01:44 AM
ano mga pinaniniwalaan ninyo, if ever meron?
ano ang mga hindi ninyo pinaniniwalaan, if ever meron?
ang sabi ng mga matatanda: "wala naman masama sumunod, wala naman mawawala sa iyo"
kontra ba ito sa faith?
nanuod ka ng House kahapon? yun kasi ang topic, Supersitition vs. Fact and Logic
ako mahilig ako sa black cats cute kaya nahahawakan ko pa nga eh tsaka friday the 13th is my favourite day :)
anyway, di ko maintindihan kung baket bawal magpicturan and tatlong tao. nababadtrip lang ako, i mean wala naman mangyayareng masama eh. isipin mo, kung may magasawa at isa lang anak nila, eh di hindi sila pwede mag family picture? lungkot naman nun.
yung sinasabe ng matatanda na
"wala naman masama sumunod, wala naman mawawala sa iyo" eh katangahan ng konte kasi naglalagay sila ng takot sa mga isipan naten nung bata pa tayo. sagutin ko kayang
"baket pag sumunod ba ako may mangyayare ba sa akin?". hahaha oo meron! sampal sa tsinelas ni lola XD
anyway based sa episode nung sa House sabe nga eh, may mga bagay daw na hindi maexplain ng science at mga beliefs ng tao, coincidence man o hinde nasa tao rin kung ano ang pinaniniwalaan at pinaninindigan niya.
hindi ako naghahangad na makipagaway dito. nirerespeto ko naman ang mga taong may mga kakaibang mga beliefs ayaw ko lang na maging out of hand sila sa mga ganung supersitition. Like what happened sa House again, tinatakot ni Dr. House si Dr. Kutner tulad ng pag spill ng asin sa harap niya, maglagay ng ladder at magbukas ng umbrella sa loob ng office nila hehehe... ayun natatakot si Dr. Kutner especially dun sa black cat.
back to topic. kung ano paniniwala ninyo at alam niyong wala kayong ginagawang masama, then go for it. I respect you :)
More information:
House Season 5 Episode 18 "Here Kitty" >> http://www.housemd-guide.com/season5/518herekitty.php
yes tama ka. its a balance of the science-explained and logic versus the unexplainable.. too-hard-to-comprehend na mga bagay at pangyayari..
isa yung ayaw ko talaga - ikutin ang plato ng mga kumakain kapag may aalis na.
Quote from: angelo on July 12, 2009, 11:42:14 PM
isa yung ayaw ko talaga - ikutin ang plato ng mga kumakain kapag may aalis na.
baket naman?
anong sense na iikutin ko yung plato at sure ako away from danger na yung taong umaalis.
pamprobinsyang-probinsya na masyado yang mga ganyan... siguro sa kweba nakatira.. weeeeh
totoo bang hindi dapat mag-gupit ng kuko twing friday? kasi daw magsusugat yung cuticle?
Quote from: † harry101 † on July 30, 2009, 01:06:20 PM
totoo bang hindi dapat mag-gupit ng kuko twing friday? kasi daw magsusugat yung cuticle?
nung college days eh tuwing friday ako nagpapagupit.. soooo, di totoo yan.. hehehe
oo nga hindi. basta superstition, wala pa yan "proof"
Quote from: † harry101 † on July 30, 2009, 01:06:20 PM
totoo bang hindi dapat mag-gupit ng kuko twing friday? kasi daw magsusugat yung cuticle?
baket naman??
Quote from: makotoken on August 07, 2009, 07:27:40 PM
Quote from: † harry101 † on July 30, 2009, 01:06:20 PM
totoo bang hindi dapat mag-gupit ng kuko twing friday? kasi daw magsusugat yung cuticle?
baket naman??
di sure kung magegets mo. kasi daw tumitikwas yung cuticle (di ko alam tamang term to use), pag friday nsgugupit. it actually works for me. since then, twing sunday na ko nagugupit. but it may be coincidence...
naniniwala ako sa WHITE laDy..AswAng..ENKANto..
di ako naniniwala na dpat matako. sa mga MULTO
mas nakakatakot ang mga taong buhay sa panahon ngaun.
wag magwalis pg gbe..
pwediii,,
kasi nga di nkkta ang alikabok..
my proof ba.or kalokohan..heheh..peace
nakakaasar lang yung nilagyan ng isa pang step (na 1 inch lang) yung mga hagdan sa school namin. para daw magtapos s "oro" instead na "mata". ayun minamalas kami ang adaming natitisod.
superstitious pala, sana inincorporate siya noong binubuo yung hagdan. hehehe
mamalasin ka talaga pag ganyan..hahaha
.......maraming ganito mga matatanda until now sinusunod pa din....
.....pag ililibing na ung namatay, ung mga bata itatawid sa kabaong tapos pabalik din para daw hinde magparamdam o mapanaginipan ng mga bata....
.....pag may namatay thru crime na hinde naresolve, nilalagyan ng sisiw sa ibabaw ng kabaong para daw makonsensya ung gumawa nun at mahuli na...
.....pag iihi sa tabi tabi kailangan magsabi ng pasintabi sa mga nuno na iihi ka....otherwise baka lumaki bayag mo or may masama mangyari...
....pag natinik ka ng isda habang kumakain, dapat tahimik ka lang tapos iikot mo ung plato mo para matanggal ung tinik...
....wag magwawalis sa gabi or wag ilabas ung kalat sa gabi kc lalabas daw ang swerte hehehe...
....marami pa nkalimutan ko na hehehe
pag galing sa lamay ng patay, huwag muna didiretso sa bahay. punta muna somewhere else.
Karamihan sa mga Supertitious Beliefs na nabanggit ay ginagawa namin nung bata ako. Ngayon ako na ang nangunguna sumalungat dito...hahaha...Siguro kasi wala naman ako nakikita scientific basis eh. I remember meron pa yung naglalagay ng Tinidor sa karne kapag nagluluto para daw lumambot agad. :P