News:

Having problems registering or logging in?
Contact us here.

Main Menu

Worth Reading

Started by eLgimiker0, June 21, 2011, 06:48:24 PM

Previous topic - Next topic

eLgimiker0

Minsan may isang puta
by Mike Portes

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.


MINSAN MAY ISANG PUTA AT THE GARDEN OF EVE. The film, GARDEN OF EVE/GANAP NA BABAE, was recently awarded an Excellence in Cinematography Award and was among the best that received the Silver Woman trophy at the SoHo Film Festival in New York which recognized the technical mastery of the movie. Trailer at http://www.facebook.com/minsan.may.isang.puta
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang 'pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin... Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa't isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!"

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.


eLgimiker0

Man robs bank to get medical care in jail
By Zachary Roth

Some people who need medical care but can't afford it go to the emergency room. Others just hope they'll get better. James Richard Verone robbed a bank.

Earlier this month, Verone (pictured), a 59-year-old convenience store clerk, walked into a Gaston, N.C., bank and handed the cashier a note demanding $1 and medical attention. Then he waited calmly for police to show up.

He's now in jail and has an appointment with a doctor this week.

Verone's problems started when he lost the job he'd held for 17 years as a Coca Cola deliveryman, amid the economic downturn. He found new work driving a truck, but it didn't last. Eventually, he took a part-time position at the convenience store.

But Verone's body wasn't up to it. The bending and lifting made his back ache. He had problems with his left foot, making him limp. He also suffered from carpal tunnel syndrome and arthritis.

Then he noticed a protrusion on his chest. "The pain was beyond the tolerance that I could accept," Verone told the Gaston Gazette. "I kind of hit a brick wall with everything."

Verone knew he needed help--and he didn't want to be a burden on his sister and brothers. He applied for food stamps, but they weren't enough either.

So he hatched a plan. On June 9, he woke up, showered, ironed his shirt. He mailed a letter to the Gazette, listing the return address as the Gaston County Jail.

"When you receive this a bank robbery will have been committed by me," Verone wrote in the letter. "This robbery is being committed by me for one dollar. I am of sound mind but not so much sound body."

Then Verone hailed a cab to take him to the RBC Bank. Inside, he handed the teller his $1 robbery demand.

"I didn't have any fears," said Verone. "I told the teller that I would sit over here and wait for police."

The teller was so frightened that she had to be taken to the hospital to be checked out. Verone, meanwhile, was taken to jail, just as he'd planned it.

Because he only asked for $1, Verone was charged with larceny, not bank robbery. But he said that if his punishment isn't severe enough, he plans to tell the judge that he'll do it again. His $100,000 bond has been reduced to $2,000, but he says he doesn't plan to pay it.

In jail, Verone said he skips dinner to avoid too much contact with the other inmates. He's already seen some nurses and is scheduled to see a doctor on Friday. He said he's hoping to receive back and foot surgery, and get the protrusion on his chest treated. Then he plans to spend a few years in jail, before getting out in time to collect Social Security and move to the beach.

Verone also presented the view that if the United States had a health-care system which offered people more government support, he wouldn't have had to make the choice he did.

"If you don't have your health you don't have anything," Verone said.

The Affordable Care Act, President Obama's health-care overhaul passed by Congress last year, was designed to make it easier for Americans in situations like Verone's to get health insurance. But most of its provisions don't go into effect until 2014.

As it is, Verone said he thinks he chose the best of a bunch of bad options. "I picked jail."


http://news.yahoo.com/s/yblog_thelookout/20110621/ts_yblog_thelookout/man-robs-bank-to-get-medical-care-in-jail