Post mo Joke mo!

Started by Seingalt, January 27, 2010, 02:32:09 PM

Previous topic - Next topic
waa. wala kong makita sa mga post mo kuya E!  :(




;( picture kasi, baka blocked sa office nyo

Quote from: Mr.Yos0 on May 12, 2011, 02:49:35 PM
Nagbabagang Balita

*dalawang kalbo,nag-sabunutan.

* Capt. Hook dumaan sa Quiapo, pinirata!!

* Palaisdaan, nasunog!!

* Tahanang Walang Hagdan, inakyat!!

* Bakla sumali sa away, napasubo!!

* Bagong tuli nagyabang, lumaki ang ulo!!

* Unanong madre, napagkamalang penguin!!

* Bulag nakapatay, nagdilim daw ang paningin!!

* Iceman nanood ng porno, nag-init!!

* Tindera ng suka, tinoyo!!

* Teacher nagkamali, tinuruan ng leksyon!!

* Lolo naakusahang nang-rape, pero sa korte....biktima ayaw tumayo!!

* Eroplano nag-crash, lahat ng pasahero namatay sabi ng mga survivor!!

* Basurero nagsampa ng kaso, binasura!!

* Dahil may reklamo, eskwelahan ng mga bingi nag-noise barrage!!

* Tubero, nagka-tulo!!

* Lalaki natagpuang pugot ang ulo, inaalam pa kung buhay!!

* Barbero tumestigo sa krimen, ayaw paniwalaan!!

* Misis ng photographer, nakunan!!

* Tindera ng tubig, namatay sa uhaw!!

* Kaso ng pilay, nilalakad!!


NEWS FLASH: Unggoy, nagbabasa, tawa ng tawa!!!

tatay: mula ngayon ay wala nang magsasalita ng ingles...ang magpapadugo sa   
           ilong ko at sa nanay nyo ay palalayasin ko sa pamamahay na ito klaro ba?

anak :ang mga katagang namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong 
         iiimbak sa sulok ng aking balintataw...sa kaibuturan ng aking pusoy
        gugunam   gunamin...aariing salik ng aba at payak kong kabatiran...
         tatalikdan ang   matatayog at palalong banyagang wika...bibigkasin
         at sakdal timyas na  sasambitin ng sangkalooban  ang mga katagang 
         sariling  atin...naaarok ko pong lahat ng winika nyo ama...

tatay :  (tulala)