Your Quotes, her smile

Started by eLgimiker0, February 17, 2011, 04:07:37 PM

Previous topic - Next topic


Kordapya: Mokong, hulaan ko ulam mo kanina...

Mokong: Kaya mo? sige nga....

Kordapya: Hmmm.. may tingi ka ng malunggay sa ngipin.. siguro tinola no?

Mokong: Uhm.. Tama ka pero Mali pa rin..

Kordapya: Panong naging tama pero mali?

Mokong: Tama ka, na ang inulam ko Tinola kaya may Tinga ako sa ngipin.. pero mali ka kasi kahapon pa yun.. ??? :-X








BAD NEWS:

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....


"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito,
'yungkatiwala niyo sa
bahay-bakasyunan niyo."


"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka?
Mayproblema ba?


"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo
nanamatay ang
alaga niyong parrot."


"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo
sabird show?


"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."


"Putris ...

sayang! Ang laki pa naman ng nagastos kosa ibong
'yon. Hay,
buhay! Teka, ano nga ba ang

ikinamatay niya?"


"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."


"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao
angnagpakain sa
kanya ng bulok na karne?"


"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang
patayna kabayo."



"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr
Arnaldo?"


"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po
kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng

kariton ng tubig."


"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg?"


"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."


"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi

mo?"


"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba
po'yung isang
nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung

kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."


"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan
sabahay-bakasyunan,
a. Parasaan 'yung kandila?"


"Para sa burol po."


"Ano? Kaninong burol?


"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating
ditonu'ng isang
gabi, walang kaabi-abiso. Lampas

hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
;D