Bloopers at the Workplace

Started by carpediem, June 22, 2011, 05:13:11 PM

Previous topic - Next topic
share your or your colleagues bloopers




cx: i want to talk to ur SUPERVISOR!

agent: let me HOLD you for 2 mins

cx: wtf!


another call



agent: sorry Mr Customer we cant do anything at this point

cx: F&^k you! f^%k you!!

agent: Sir DONT F^%K me!!  ;D


I was at CG2.. tpos bendable ung upuan.. I want to reach ung isang bin kaso na-off balance aq.. natumba aq kasama ng upuan at lahat ng mga tao sa floor eh nakatingin sa akin.. tayo kagad aq..

tpos nakareceive aq ng IM sa nililigawan q that time.. 'Anu nangyare sa yo?' sabi nya.

Every monday maaga akong pumasok sa trabaho dahil probinsya pa ko galing. Kaya dala ko rin palagi lahat ng bagong labang damit and usually umiidlip muna ko sa kotse sa parking lot ng office, malamig naman dahil malapit lang sa tagaytay.
Dating ko ng office around 5:30am, kaya i still have an hour of sleep. 6:30am parating na 1st batch ng company bus at open na canteen kaya pasok na rin ako and diretso muna ng cube to put all my things then pagunta ko ng canteen... tawa ng tawa barkada ko na babae and lalake... lintek butas pala jeans ko as in wasak ang buong back pocket! Kita rin boxers ko and parts of my leg. Ganoon kalaki ang butas!
I just realized na pagsakay ko nung umaga sa kotse sa probinsya pa namin na sumabit pala sa handbrake jeans ko. Sa sobrang distressed at lambot sora kaagad ang likod at di ko pa napansin... lintek butas na pala jeans ko buong byahe and usually stop over rin ako sa gas station para jumingle... then kasabay ko pumasok first batch ng employees and walked all the way from parking to ofc bldg then my cube.... nag shoshow na pala ako hehe fortunately i have my bag of newly washed clothes sa kotse kaya no need to go home and change hehe


^ Naalala ko tuloy yung blooper ko rin sa class.

Me: Class, alam nyo ba gumawa ng banana cue? Dba you need to  buy muna the ingredients/materials like banana, brown sugar, flour, sticks, etc bago kayo makagawa ng banana cue?

Class: (frowning, murmurs, violent reactions)

Me: Why, whats wrong?

Class: Di po kelangan ng flour sa banana cue.

Me: (no comment)

Hindi.  Sinubukan ko lang magturo ng 1 sem.  ;D

I was presenting something from my computer during a conference call. I forgot that I was still in presentation mode and I switched window to IM with a colleague. The colleague was complaining about work. lololol

There was a time na hindi ko napigilan ang antok ko sa Office so dumiskarte ako. Ginawa kong DESKTOP WALLPAPER yung isang system namin para kunwari nagtatrabaho ako. Tapos nakasuot ako ng Headset na malaking headset na medyo naka-cover sa Face. Then kinakausap pala ako ng isang Senior namin, since tulog nga ako (although mababaw yung tulog ko para aware sa paligid) akala raw nya hindi ko siya naririnig. Sabi lang daw ng katabi ko na natutulog ako. Tapos ayun inilabas nya yung CP nya at pinicturan ako. buti mabait iyon.

yung maiwan ang wallet sa bahay, nakakahiya mangutang ng pang lunch sa colleague  :D

Nag-meeting kami ng tatlo kong kasama saka manager namin about sa isang task na gagawin. Tinanong nya kung sno daw ang pede, tapos itinuro ako ng katabi ko sabay akbay sa akin. Dahil ayoko, Nasiko ko siya in an instant sabay sabing "BAKIT AKO :o".hahaha..Defensive move agad, tapos ayun pinagtawanan nila ako. Pero sa akin pala talaga mapupunta yung task...hahaha...

simple lang. may client presentation pero naka Friday dress-down attire.

one time malalim iniisip ko after eating sa cAFETERIA''nadala ko palabas yung tray kakahiya...wala lang lutang lang mwahahaha

one time sa office sa pagmamadali kong umuwi, parang automatic na naglagay akong toothpaste sa toothbrush ko at biglang nagbrush. di ko namalayan na wala ako sa CR, nasa desk ko pa ako...

1. nagmatrix aq habang nakaupo sa ergonomic chair.. tpos ayun... BAG!! rinig ng buong workplace. natumba aq sa pagkaka-upo... sa CG2 pa ito..

2. me nakita aqng Yellow Cab pizza sa pantry. Pumunit ako ng isa at kinain.. Maya-mya, naicp q na hinde pla para sa akin iyun..