Kwela Nobela 2 (Sneek Preview)

Started by antonmia, December 29, 2013, 10:08:48 PM

Previous topic - Next topic
Kwela Nobela 2 (Sneek Preview)
" Ang Hindi Ko Siguradong Pag-ibig "

    May bagong kapitbahay sila, yung mga trabahador ay nilalagay na yung mga gamit papasok sa bahay.

     Kasama sa mga usisero na mga kapitbahay ay sila Bob, Peter at Leo na gustong makita kung sino yung bagong lilipat na may-ari sa lugar nila.

     "Sino daw yung bagong lipat?" tanong ni Leo.

     "Wala pa, hindi pa nagpapakita." sabi ni Peter.

     "Akala ko ba nasa honeymoon ka, ang aga naman ng uwe."

     "Mapapaaga ka talaga ng uwe kung kasama mo byenan mo sa honeymoon."

     Natawa si Bob, "Kasama mo yung byenan mo sa honeymoon? Ang kapal naman ng mukha non."

     "Sing kapal ng bloke ng simento." sabi ni Peter.

Skip.

     Merong tumuntong sa nakataob na ref na medyo ermitanyo ang dating.

     "Mga kapatid kong taga-rito, ang mabuting salita ng Diyos ay nakarating na sa kin ... Gugunawin na daw nya ang mundo dahil sa pakikialam ng mga taong ayaw makontento sa kung anong pinagkaloob nya para sa ating lahat."

     "Ano bang pinagsasabi neto?" nagtaka si Peter.

     "Baliw na yata." sabi ng isa pang kapitbahay.

     Dagdag pa ng ermitanyo, "Babaguhin ng mga tao ang balanse ng mundo at yon ang magiging hudyat ng simula ng pagkagunaw ... Kaya kung sino ka mang tagapagdala ng pagkawasak! Mas mabuti pang itigil mo na! Itigil mo na hangga't maaga pa! Huwag mo nang hintayin ang pag-iyak ng napakaraming sanggol na mawalan ng mga magulang, mawalan ng magkakalinga para sa kanila, at dito mismo sa lugar natin..."

     Pagkatapos ay may dalagang pumigil sa matanda, "Itay tama na po yan ... Halika na po sa loob."

     "Pero hindi pa ko tapos magbigay ng babala sa kanila."

     "Um." at humingi ng patawad yung babae sa mga tao, "Pasensya na po, pasensya na po sa abala."

     Sumigaw ulit yung matanda, "Magbago na kayong lahat! Walang makakapigil ng pagkagunaw kundi kayo lang!"

     Tawanan lang yung mga tao sabay umalis na.

Skip.

     "Neri?" nagtaka si Peter.

     "Ako nga to Pedring ... Halika umupo ka, tabihan mo ko dito."

     Ginawa nga yon ni Peter at nagtanong, "Nasan ba tayo ngayon?"

     "Hindi ko pa alam Pedring, pero nandito ka para malaman mo kung anong galit ang bumabalot dyan sa puso mo."

     "Ganun ba ... Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

Skip.

     Sa may restaurant ni Bob, nanonood si Bob ng TV.

     "Nasa TV na naman tong si Peter, ako hindi pa."

     Nilapitan sya ni Barbara, "Bob yung oven ayaw na naman yatang gumana."

     "Ayaw na naman ba, ba't ka kasi pabigla-bigla sa pagbili netong second-hand restaurant lahat naman puro sira."

     "Wag ka nang magreklamo dyan, dalhin mo munang mga to sa table 3, sabihin mo pati libre nato kasi hindi magamit ang oven." nagluto na ulit si Barbara.

     Sa table 3, yung bago nilang kapitbahay ang mga nakaupo.

     Nagsasalita mag-isa yung matanda, "Lahat ng mga tao sa mundo, isa-isa silang lilipad sa kalawakan, lilipad sila patungo sa kawalan."

     "Itay." pag-comfort sa kanya ng anak nya.

     "Lahat sila lilipad na walang mga pakpak."

     Lumapit si Bob, "Ito na po Ma'am, Sir yung order nyo po ... Pasensya na po sa isang order, hindi po magamit sa ngayon yung oven kaya yung isang special sa menu na lang po tong isa ... Wala pong bayad po tong isa kaya enjoy po."

     Paalis na sana si Bob pero biglang hinawakan ng matanda braso ni Bob, "Ikaw, ikaw ang magliligtas sa ating lahat."

     Napangiti lang si Bob, "A-ako po?"

     "Nakikita kong ikaw lang ang may ginintuang puso na tanging makakatalo sa kanya, ililigtas mo kaming lahat, ililigtas mo ang sangkatauhan."

     "Um." natatawa lang si Bob, "Pero waiter lang po ako sa restaurant ng asawa ko po."

Skip.

     Balita sa TV.

     Nag-report si Tom, "Sa balitang O.M.G., isang local scientist ang nagsabing may nakita daw syang bulalakaw na paparating sa Earth."

     Video clip ng scientist.

     "Kitang-kita ko! Isang bulalakaw! Paparating sa Earth!"

     Balik sa Studio.

     "Pitong beses nyang paulit-ulit na sinabi yon kaya pitong beses din namin syang hindi pinaniwalaan ... Jess."

Skip.

     "Ako nga Pedring, at narito ako para tulungan kita."

     "Hindi ko maintindihan, mawawasak na ang mundo, wala na sigurong makakatulong pa sa kin."

     May nagsalitang malaking matandang lalake, "May paraan pa Pedring, kailangan mo lang makipagkasundo sa byenan mo sa huli pang pagkakataon."

     "Sino ka naman? At ano naman ang kinalaman ng byenan ko at ako sa pagkawasak ng mundo?"

END.

----

Posting starts Feb 23, 2014

To see all previous chapters add friend me on facebook

https://www.facebook.com/anton.mia.714