Ano bang trip mo brad? Beaches ba or mountains with rivers.
If beaches, i can suggest BORACAY, CEBU, SIQUIJOR and BOHOL.
Tho maganda naman si Boracay pero too mainstream eh.
Cebu is best known for its beaches too. The Southern Part of Cebu in particular. Pwede kang mag canyoneering sa Badian. Whale shark swimming sa Oslob. May mga magagandang beaches din sa Argao.
Sa bohol naman if trip mo yung medyo ala Boracay but not too Boracay, sa may Panglao Island sa bandang Alona Beach. Of course Bohol is well known sa Chocolate Hills...pwede ka ring mag church-hopping.
Siquijor bro yung isa sa magagandang beaches talaga sa Visayas. Very mystical yung lugar and pristine. Walang plane na diretso dun... Entry point mo is Dumaguete City.
If gusto mo yung cultural trip, panalo yung ILOILO at BACOLOD-SILAY.
Sa Iloilo City you can stroll the city to visit its historical sites. You can include the millionaire's lane, old churches and mansions sa itinerary mo. Pwede mo ring bisitahin ang Guimaras from Iloilo. (14 minutes boat ride lang bro)
If you wanna go outside Iloilo City, pwede yung Isla Gigantes.
Sa Bacolod, sarap mag food trip ng sweets. If mahilig ka sa lumang bahay, you gotta see Silay City. Ang daming turn of the century mansions dun bro. Include mo na rin yung the ruins.
Kung trip mo bro yung bundok at ilog... Panalo yung Antique sa opinion ko. Sa may Kulasi, you can experience hiking and swimming sa ilog. Dun sa Tibiao naman may Kawa Bath. (marami nga lang Aswang stories) If naghahanap ka ng dagat or isla sa Antique, punta ka sa Malalison island.
Sa Leyte bro yung Maripipi Island and Kalanggaman Island, maganda din.
Kung food trip naman hanap mo Bro, sa may Roxas city, capiz. Panalo ang seafoods.