News:

Introducing PGG VIP Membership. Send PMs, Remove Ads and more. KNOW MORE

Main Menu

Philippine Stock Market...

Started by vortex, October 04, 2011, 02:18:38 PM

Previous topic - Next topic

vortex

Guys I am planning to be involved in this...any ideas?Sino dito bumibili ng stocks?

Thanks.

raider


pong

Quote from: vortex on October 04, 2011, 02:18:38 PM
Guys I am planning to be involved in this...any ideas?Sino dito bumibili ng stocks?

Thanks.



ako hehe... try mo mutual funds para safe.

darkstar13

bagsak ngayon ang stocks, maybe a good time to buy while mura. ;)
even mutual funds are down. ;(

vortex

Thanks sa feedback! Well sino ang makapagtuturo sa akin ng procedure? hehehe
Alam ko lang kasi is "Buy Low, Sell High" eh.
Thanks.

darkstar13

kaya buy ka na hehe.
start ka na muna sa citiseconline.

musta na N?

vortex

Quote from: darkstar13 on October 10, 2011, 09:04:04 PM
kaya buy ka na hehe.
start ka na muna sa citiseconline.

musta na N?
oo gusto ko talaga bumili eh. Pano ba sa Citisec? Ikaw ba bumili ka? Ayos naman ba? Paturo naman. hehehe

pong

volatile ang market eh. nag-4000 ulit ang phisix buti naman. bought some when 2500 pa ang index. sana nagka-pera ako nung 2001 nung sumadsad ng 800 ang phisix

vortex

Hi Pong, could you help me with this concern please. Paturo ako kung pano maglaro sa Stock Market. Thanks.

pong

sure thing!  8)

hehe ikaw. ano ba ang risk appetite mo?

kung sigurista ka (risk-averse), wag ka mag-stock market. doon ka sa pagdeposito sa bangko. sure ang return kaya lang sobrang liit. 0.5% per annum ang rate of return pero sure yun. kahit anong mangyari, may interest kang makukuha. may mga mas malaking sources like time deposit at treasury bills mula sa government kaya lang hindi pa rin sapat.

kung ayaw mo naman na natutulog ang pera mo pero sigurista ka pa rin, bili ka ng tangible asset na nag-ge-generate ng pera. real estate na paupahan or sasakyang pamasada. kaso, 3-5 years pa ang return of investment.

dumako naman tayo sa risk-insensitive or risk-taker.  doon ka naman pumasok sa stock market. honestly, hindi maganda ang economic climate ngayon para magtayo ng business.  50% ng newly-established businesses, 3 years pa bago maka-generate ng income. unless marami kang capital, hihintayin mo yung 3 years para ma-establish ang business mo. 

sa paglalaro ng stock market, kailangan mo na araw-araw manood ng balita. kahit anong balita, makaka-apekto sa stock market. example: ngayon na may european debt crisis, magandang bumili ng stocks kasi mura --as long as-- (take note of: as long as) makakasiguro tayo na kayang gawan ng aksyon ng gobyerno yung kasalukuyang problema.  teka, baka tanungin ninyo ako: anong kinalaman ng Pilipinas sa european debt crisis, o maski ng unemployment sa amerika, o pati na ang tsunami sa japan?
1) dahil walang pera ang gobyerno, wala silang ipambabayad sa perang inutang nila sa mga bangko at private individuals na bumili ng bonds. so hindi mababawi ang pera.
2) sa trade, hindi na sila mag-i-import ng mga bilihin dahil wala nang pera; tayong exporter walang kikitain
3) pag hindi nakasingil ang mga bangko na may mga foreign holdings, magpa-panic ang mga stockholders at kukunin nila yung perang pinambili nila ng stocks, thus, babagsak ang presyo ng mga stocks.

assumptions:
1) kunwari bumili ka ngayon, at nagkaroon ng magandang solusyon ang european governments at tumaas ang stock market: good for you. may tubo ka in form of gains na pwede mo ibenta in lieu of dividends na dine-declare ng mga corporations
2) kunwari bumili ka ngayon, at lalong lumala ang sitwasyon ng economy, lugi ka.

**SIMPLE GUIDE:**
1) invest ka sa mga korporasyon na kahit anong mangyari, magiging matatag: ano yun? PLDT (may-ari ng Smart), Globe, Meralco, Jollibee, Universal Robina, SM Prime Holdings --> kung risk-averse ka
2) invest ka sa mga korporasyon na dependent sa presyuhan ng mga commodities: ano yun? Petron, mining stocks --> kung risk-taker ka.
Bakit? Kasi sila yung stocks na biglang sisirit pero bigla ring babagsak
3) may babayaran kang mga brokerage fees, doc stamp tax, selling costs in which kung less than P50,000 ang i-invest mo, hindi sapat sa laki ng na-gain mo
4) parati kang magbasa-basa ng diyaryo para at least updated ka sa mga movements ng stock market --pati na ng foreign currencies (IMPORTANTE rin ito kung may foreign holdings ka).


SUMMARY: so far, mataas pa ang PHISIX sa 4,000. overpriced pa ang mga stocks. baka mag-3800 or 3900 ulit. then papalo ng 4100 sa pasko. at isa pa, dahil nanghuhula ang mga investor sa economic policy ni Noynoy, mukhang malabo silang mamili ng stocks. thus, hindi siya tataas to 4,500 level.

hope that helped  ;D

vortex

Yeah thanks, quite a big help. I'd like to take the risk, I don't care if it' dicey. No pain no Gain eh.
But kailangan ko ng in-depth knowledge and guide, siyempre mahirap sumugod sa giyera nang walang training. Any source? hehehe. Thanks. So player ka na rin pala sa Stock Market, magkano puhunan mo? Sabi kasi ng co-worker ko 10K pede na eh, saka ko na lang daw dagdagan? Thanks

pong

source ko? experience. college pa lang ako may stocks na ako. swerte ko na lang at 150% na yung value ng portfolio ko.

sa 10k ngayon, hindi viable as investment in stocks. mas maganda 50k :)